Before naranasan ko na magtransfer via p2p gamit ang gcash papunta sa binance nasa worth 10k sa pesos, pero ang ginawa ko nung una ay sinubukan ko muna sa halagang 500 pesos kung mabilis yung pagtransfer, at mabilis naman nung time na yun, though nakakanerbiyos din nung magtatransfer na ako ng halagang 9500 papunta sa exchange ng binance.
Dahil ako unang magsesend ng pera sa merchant dun sa binance tapos isesend ko yung screenshot na naipadala ko na. mga 15mins din bago ko nakita sa mismong balance ko sa binance yung perang nilipat ko sa exchange sa usdt balance ko na siyempre. Pero after that moment hindi na yun nasundan.