Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Hacking incident na nangyari sa mga big exchange.
by
Peanutswar
on 25/02/2025, 11:56:23 UTC

Isa ito sa dahilan kung bakit hindi talaga ni rerecommend mag imbak ng funds sa mga Exchange kasi ang purpose lang talaga nila is exchange not as wallet, ideal lang mag store dito ng funds for your active trades, pero di din natin masisisi yung iba kase nga ba naman medyo hassle mag transact back and forth so its ideal to stay na lang din yung funds nila dito. Pero ayun nga ito ay hindi maganda practices lalo tulad ng mga ganyang issue. Naalala ko tuloy yung sa Gotyme na hindi sila accountable sa mga nawalang funds so local palang natin to ah na wala na agad habol pano pa kaya sa kanilang mga international pa.
Kahit na sabihin pa talaga nila na safe ang exchange at walang nawawalang funds sa costumer nila ay mababawasan talaga ang tiwala mo sa malalaking exchange na yan. Kaya dapat aware talaga tayo at iwasan na mag imbak ng funds sa exchange.


Para iwas isipin nalang talaga tamang lipad nalang ng funds sa mga hot wallets or mga cold wallets talaga na pwedeng imbakan kesa mag tiwala sa mga exchange or tulad ng iba ginagawa nila maraming exchange ang gamit nila so may different purpose such as day trade, weekly trade para at least kahit paano di masyado masakit yung damage na mang yari sa mga investments nila. Buti wala pa pala sa listahan yung MEXC, kaya medyo tiwala pa ako sa kanila eh.