Post
Topic
Board Others (Pilipinas)
Re: Employment Scam using Shoppee and Lazada on Viber
by
Fredomago
on 25/02/2025, 21:21:03 UTC

Actually need mo lang dito self control. do the task and get the payment, pag nagpapainvest na out ka na . pero hanggat pwede naman puro task lang at wag ka sumali sa investment nila na maglalabs ka ng pera go lang..

mostly ako nakakasali the whole day 1 and day 2 tapos da3 pawa na ang value at ayaw na nmagpayment. dito naman di masasyang pagod mo kasi eevery 120 pay-out pag di nagpasahod alis na rin agad.

galing din ng diskarte mo kabayan hahaha sila un nascam mo dahil alam mo na un diskarte nila, tama naman kailangan lang talaga ng disiplina baka kasi madale ka ng magandang pangako ng malaki laking kitaan pag nag invest ka na, dito lalabas ung experienced at diskarte na gagamitin mo para sila ang pagkakitaan mo wala kang ilalabas tatrabaho ka lang ng gaya ng inooffer nila, after ng libreng pera babye na sa kanila salamat 120 pesos hahaha..

Yung iba naman kasi kumakagat sa patibong kaya once na nabitag na sila hindi na sila makawala dahil naipit na sila, dahil sa pag-aakalang mababawi pa nila yung perang naipadala ay magpapadala pa ulit sila without knowing na para silang nahypnotize na nagiging sunod-sunuran sa gusto ng scammer.

Titigil nalang kapag nahimasmasan na silang naiscam na nga talaga sila dahil malaki na yung naipadala sa kanila, nakapanuod ako nito sa gma 7 ata sa isang documentary story.

Marerealize na lang nila na wala na at naging bato na yung inaasahan nilang kita, grabe mula nuon hanggang ngayon same pa din un sistema pero marami pa rin talagang nabibiktima I mean yung proseso mag iba man pero pagkasi pagdating sa madali at malaking kitaan dapat mauna na yun instinct mo kabahan ka na agad, more less masscam ka pag hindi ka naging matalino pero kung kaya mo laruin yun free ride pakinabangan mo lang sabay takbo hahahah 😅 😄