Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Hacking incident na nangyari sa mga big exchange.
by
arwin100
on 26/02/2025, 11:01:54 UTC
Sobrang daming pwede mangyari dito sa mga big exchanges at being a big exchange, malaking target sila katulad ng ginawa sa Bybit. Grabe ang laki din pero buti na lang na mayroon silang mga funds incase of this emergencies. Maganda na meron silang accountability at alam kung kaya ba nila oh hindi. Maganda at dapat maayos ang exchange mo kung saan ka nag ttrade.

Muntik na ako mag deposit ng malaking halaga sa Bybit pero buti na lang hindi ko na 'to ginawa dahil galing din naman sa ibang exchange yung pera na mayroon ako. Hindi ganun kasikat yung ginagamit ko pero maayos naman sila pagdating sa pag ssecure.

Sigurado nag dagdag seguridad din ang mga ibang exchanges dito.

 Sa dami ba naman ng pundo na hawak ng platform nila ay tiyak marami talaga mag aattempt na e hack sila. Kaya bilang gumagamit nila at may experience nadin sa mga bagay bagay o may alam sa mga nangyari ngayon at dati dapat talaga na wag ng isipin na mag imbak ng pundo sa exchange  since di natin alam kung hanggang saan sila safe o kung baka may biglang scam na maganap sa kanila. Maraming negative na maaaring mangyari sa kanila kay dun tayo kung san tayo safe.

Time and time again napapaalala lagi ng mga exchange exploits kung bakit ang funds ay dapat laging nasa hardware wallet — kahit kung solvent parin ang Bybit.

Hindi ginagamit ang funds sa pag-trade? Withdraw to hardware wallet. Always.

At palaki ng palaki nadin ang nananakaw sa mga malalaking exchange, kaya ang hirap maging panatag sa mga platform na yan lalo na kung madalas tayo mag imbak or naka buy and hodl tayo kay Bitcoin. Mainam tlaga na e pull out agad yung funds sa mga platform na yun kapag tapos na silang mag trade or di kaya bumili for safety puroses ng mga tao.


Ang pinagkaiba dito, ang Binance hack ay dahil sa network mismo ng BNB Beacon Chain/BEP2 and BNBChain/BEP20 chains ang na exploit ng mga hackers, yung Kucoin naman ay halos lahat ng hacked coins ay na recover, ang malala dito itong recently lang yung Bybit idk how much na ang na recover but this is the largest hacked as of the record kaya malaking kawalan ito sa kahila if hindi ma recover at least half nung na hack na amount. And both (Kucoin and Bybit) dito ay isang group lang ang alleged na suspect ang Lazarus.
Wala pa akong nababalitaang na may na recover ang bybit at tingin ko hirap silang bawiin yung mga funds na nakuha sa kanila.



Kayo iiwan ba kayo ng funds sa exchange? At gano kalaki ang tiwala nyo sa mga top exchange ngayon?

Noong bago pa lamang ako sa cryptocurrency nagiiwan ako wala pa kasi ako gaaning kasanayan at kaalaman tungkol sa pagiingat ng cryptocurrency sa non custodial wallet feel ko pa noon na safe ang exchange, pero dahil sa sobrang dami na ng hacking at isa na rito ang main exchange ko dati na Cryptopia, wala na akong naging choice kundi mag aral kung paano mag handle ng non custodial wallet.
Hindi dahil sa wala akong tiwala sa mga big exchange ito ay dahil sa parang wala na tayong kasiguruhan sa mga nangyayari sa mga exchange.

Same lang din ganun naman talaga dati since kadalasan iisipin talaga natin ang fees at tsaka hassle for transfer. Pero nung may malalaking hacking issue na nangyari gaya nyang cryptopia ay iniiwasan kuna talagang mag iwan ng pera sa exchange.