Buti na lang siguro at nakahiwalay lahat ng crypto-related stuff ko sa isang device na hindi ko lagi ginagamit

Neto lang e naging interesado ako mag emulate ng Switch games sa PC, at dahil nga walang ibang way kundi mamirata ng laro, e nagdownload ako ng mga kung ano-ano sa PC ko. Madalas naman ng mga nadadownload kong laro e mga false positives lang, dahil bago ko i-allow yung file e tinitignan ko muna sa VirusTotal kung legit na malware ba yung file.
Ang madadali nito sigurado e yung mga newbies na hindi gaanong maalam kung papano mag verify ng mga bagay bagay bago idownload sa mga PC nila. Sa panahon ngayon, konting kibot at download sa untrusted sources, siguradong may palaman nang trojan o kaya ransomware.