Kung hindi makakapag adjust ang Rockets at mapabayaan nila ang depensa nila baka mapaaga ang pagpapaalam nila, sayang ung naipundar nilang number 2 sa regular season kung tataob lang sila agad agad sa GSW.
Makakapag adjust yan, sana makita parti ng coach yung kawalan ng depensa ng team at yung stop kay Sengun pag wala si Adams sa loob.
Ang ganda ng mga play sa ilaliim pag andun si Adams. tsaka mas malakas ang rebound nila at nahihirapan ang GSW sino babantayan.
malamang yung lock down kay Curry ang gawin ulit tapos yung 1v1 with Butler tapos konting support ng depensa narin.
Kung mapapansin nyo pag nakalayo ng konti nag GSW grabe kumpyansa ng GSW, pero nung nakadiklit ang Houston nung 4th nawala, lalo na kay Podziemski.
Si Moody ang nag step-up naman noon.
well mayroon akong ginawang ekspiremento. tsaaka ko na ibubulgar ang mga pinili ko kung mananalo man

Yun nga din napansin ko kabayan pag nandun si Adams hirap yun GSW kasi nga dalawa si ni Sengun pwedeng laglagan ng bola sa ilalim or kung makakuha ng offensive rebound pwedeng ibalik na agad sa ring un bola, dapat sa simula palang wag nilang pabayaan makakuha ng kumpyansa yung GSW kasi pag nakalamang na sila ang hirap din maghabol sayang yung rally pag kinapos na sa oras, tignan natin kung sa game 2 makakakita tayo ng mga magagandang adjustments sa Rockets dapat sa parehong aspeto opensa at depensa dapat makapag extend sila ng effort nila.
Pinost ko na ito dun sa english thread ng NBA pero share ko nalang din dito. Iba talaga ang effect ng may jimmy butler sa team. Imagine last year ata yun kung hindi ako nagkakamali diba na upset nila ng Miami heat yung number 1 seed na Milwaukee Bucks, so hindi malabong mangyari yung dito sa laban nila sa Houston Rocket na seed number 2 vs Warriors na seed 7.
Pero malakas din heat ngayon pero hindi katulad nung kasama pa nila si jimmy butler. Ngayon nga ang favorite na manalo sa laban ng Rockets at Warriors, warriors ang favorite na mananalo ng series..
Iba kasi un tikas ni Butler pagdating ng Playoffs ilang beses na nyang napatunayan yan na talagang kung need may mag step up kasama sya dun sa mga taong gagawa ng paraan para makatulong sa team na nilalaruan nya, gaya ng sinabi mo poboritong manalo ang GSW kahit na sa regular season eh number 7 sila samantalang ang kalaban nilang Rockets eh number 2 posibleng maupset nila ang mga bata ng Houston pag hindi nakapag adjust ng maayos.