Si Jimmy Butler na nagiging Jimmy Play-off Buckets sa ganitong sitwasyon.
Ang sakit ng nangyari kay Jimmy Buckets. Ang mali lang din kasi doon ay si Draymond, parang tinulak niya si Amen palabas at nandoon sakto si Jimmy, sobrang sakit nun. Kaya natalo din sila at hindi pa sigurado kung kailan makakabalik si Jimmy sa mga susunod na laro pero sana ay maging okay din siya agad dahil ang hirap kapag wala siya. Ganitong mga playoffs pa naman lagi maaasahan si Jimmy kaso parang tinarget din siya.
May Mali din talaga si Green dun kabayan kasi sa sobramg pangugulang nya pumalag un bata kaya aksidenteng inabot si butler, need si Butler sa playoffs alam natin kapasidad niya lalo na ngayon na sobrang higpot talaga ng depensa kay Curry Need ni butler mag step up.
Ang bilis ng pangyayari, kailangang kailangan talaga si Jimmy lalo na kapag ganitong playoffs. Dito talaga siya malakas maglaro sa totoo lang kaya Buckets talaga tayong lahat kapag siya naglalaro kahit sa mga nakaraang season kahit na may mga injury din siya. Pero itong nangyari sa kaniya, hindi inaasahan dahil physicalan talaga. Wala pang balita kung kailan siya pwede maglaro dahil yung pagkakabaldog niya sobrang lakas. Ito namang si Ime Udoka, nataon pa na narecord na sabi niya di bale na daw na pisikalan na ang laban, hindi naman daw tatawagan sila ng referee kung sakaling makita. Ang siste, nangyari tuloy yung kay Amen na natulak ni Draymond kahit na maganda pinakita ni Draymond, olats pa rin sila.
Saklap nun ginawa ng mga officials sa game yan andaming hindi napituhan kaya sablay ung coach ng Rockets kasi sumabay un nasabi nya dun sa mga nangyari sa game, problema ngayon ng GSW yan kung hindi makabalik agad si Butler, hindi ko lang sure kung hinog na ba si Kuminga tignan na lang natin sa homecourt nila sa game 3 kung paanong adjustment gagawin ni coach Kerr.
Update pala sa game kanina after ni Butler si Ja Morrant naman parang same un nangyare ang taas din ng binagsakan out na sya sa rest ng game ganda na ng simula nila tinambakan ni lang ng higit 20 points un OKC before na injury si Ja' ngayon dinadahan dahan sila ng OKC last quarter medyo mahaba pa oras madami pang pwede mangyari sa game.