Madami na rin akong topic na nagawa tungkol sa paggamit ng Bitcoin sa mga business and isa talaga sa pinaka problema sa pagtanggap ng Bitcoin bilang payment para sa akin, ay ang volatility ng price at cash flow. Volatility ng market dahil masyadong volatile ang market pabago bago ang conversion kaya hassle din talaga ito, isa pa kailangan mong bantayan dahil main account mo ang ginagamit mo na wallet, kailangan mo iconfirm ang mga transaction in case magkaroon ng problema.
Cash Flow kung tatanggap ka ng Bitcoin payment ibig sabihin lang nun ay handa kang sumugal sa Bitcoin meaning lahat ng nagbabayad ng Bitcoin ay napupunta sa investment mo sa crypto which is a risky investment, and sa isang business kelangan mo ng cashflow kung lahat ng customer mo magbabayad ng Bitcoin maaaring magkulang ng Cash flow ng business mo, dahil napupunta na ito sa Bitcoin, maaaring magresult na ito sa sell ng Bitcoin mo kung saan maaari kang maluge dahil napipilitan kang magbenta ng iyong Bitcoin para gamitin sa business mo.
Just for use as an option for payment ang Bitcoin, pwede naman autoconvert to cash to address the volatility ng Bitcoin. Maraming business ang gumagawa nyan. Iyong ibang business, inintigrate nila ang Bitcoin bilang payment sa mga products nila to tap the potential client sa crypto community.
Kapag gumamit ng autoconvert to cash, wala ng poproblemahin sa confirmation ng transaction dahil third party na ang bahala dun.
Magiging problema lang ang volatility ng Bitcoin kapag pinili nating magstash or magtabi ng mga Bitcoin payment pero kung may enough fund naman to cover iyong oras ng paghihintay, isang malaking hakbang ito para lalong lumaki ang capital or funds natin sa business dahil nakita naman natin ang exponential growth ng presyo ng BTC.
If icoconvert din naten agad sa cash ang Bitcoin payment na nareceived naten hindi ba parang non sense din yun na maglagay ng Bitcoin payment kung iauauto convert din naman not to mention may small fees siguro if custodial wallet nga possible ang walang fees but for sure, mas magiging hassle pa ito dahil need din ng magaasikaso, also hindi naman siguro magiinstall lang ng custodial wallet just to pay in Bitcoin, probably some ginagawa lang yun for promotion ng Bitcoin, in my opinyon hindi naman din magandang digital currency ang Bitcoin for payments dahil nga sa volatility , I get the point of taping potential client on crypto community.
Siguro, isa lang ito sa mga opinyon ko, dahil naghohold din naman ako ng Bitcoin but if i have a chance to use it or pay using Bitcoin hindi ko siya gagawin, dahil para saakin investment ang Bitcoin. Ano sa tingin nyo?