Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Hacking incident na nangyari sa mga big exchange.
by
bettercrypto
on 29/04/2025, 19:48:33 UTC
masokey na rin siguro na sa malalaking exchange para kahit papano may kaunting insurance tayo na hindi siya ganoon kadaling mahahack or kahit papano ay mayroon silang backup funds,
May point ka kabayan, pero it's worth noting na madalas ganitong mga exchanges ang prime target ng mga hackers dahil alam nila malaki din ang laman ng mga wallet nila at pagdating naman sa backup funds, depending on the extent ng hack, maaring hindi sapat ang funds nila para sa lahat ng mga users [take note na hindi talaga insured ang mga cryptocurrency natin sa mga exchanges].

Nga pala, sa huling update ni Ben Zhou [CEO ng Bybit], nabanggit niya na hindi nila alam kung anu ang ngyayari sa 27.59% ng $1.4 billion dollars na nahack [source]!

Also we should not forget na marami din ang na kompromiso before sa supposed to be a big exchange like Mt.gox and FTX before. Kaya not automatically fine talaga na somehow may kaunting insurance tayo sa kanila since hindi natin alam kung kailan sila tataob ng sobrang lala at di na kayang makapagbayad sa mga depositors nila na nawalan ng pera dahil sa hackings at iba pang insidente.

Kaya mas mainam talaga na e secure ang funds natin at wag nalang mag store or hodl ng malakihan sa mga exchange accounts natin.

Somehow great to see parin na ina aksyonan parin nila yang issue nila kahit na mababa ang chance na makuha lahat ng bybit yung na hack sa kanila.
True kaya even sa mga big cex ngayon, need talaga natin magingat kahit papaano, diversify your assets hindi nasa iisa lang para secured ang lahat ng mga pera. Pero syempre kung pipili ka ng exchange, goods din na may accountability talaga yung cex compare sa iba na wala at hindi maganda ang customer support.

Wag nalang talaga sana na mangyari yung mga ganong incident sa kung saan meron tayong funds kasi nakakalungkot at nakakaba if ever. Kasi kahit sino naman sa atin wala namang may gusto ng ganong pangyayari kaya sa atin palang dapat magsimula na yung pagiingat.

Diversification talaga ang best way na dapat na gawin para sa mga wala pang hardware wallets dahil hindi advisable na isang wallet lang ang kinalalagyan ng ating mga assets na iniipon. Kaya nga ako mga sa tingin ko na trusted na mga exchange ang pinipili ko na ginagamit, though andun parin yung risk pero nakadepende nalang siguro yan sa dyor na ating gagawin.

and so far ilang taon ko narin naman nagagamit yung mga exchange na ginagamit ko sa kasalukuyan ngayon at wala pa naman akong naranasan na problema sa mga ginagamit ko na ito.