Dapat nga matagal na meron 'to dahil sa ibang bansa matagal nang na implement ito, ngayon lang sa atin. Nasa 9% ata sa Singapore, medjo malaki naman sa EU kase may +20 depende sa bansa, sa Japan, SoKor, Vietnam nasa 10% at 7% sa Thailand.
See the numbers? laki pinagkaiba kahit yung difference na 1% ay malaking halaga na eh. Tapus hindi ka sure kung saan mapupunta tax mo unlike dun sa na mention na mga bansa. Most probably sa bulsa lang din naman ng mga pulitiko kaya ang daming ayaw sa mga added tax dahil dito unless transparent ang gobyerno. Pero mas nag worst sa admin na ito eh, ewan.
Kupal kasi talaga si Recto sa pag imposed ng E-VAT kaya lumobo sa 12% ang tax natin kahit na mababa naman ang tax percentage sa ibang bansa na di hamak na mas maunlad sa atin.
Itong bansa lang natin ang may audacity na magtaas ng tax kesa magbawas ng gastos ng gobyerno napupunta lang sa mga corrupt government projects at unnecessary spending kagaya ng ayuda.
Dapat irebise spendings ng government para mababaan din ang tax. Nagagawa nga ng Pasig City na makatipid sa budget nila.