Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 12% VAT on Digital Services
by
PX-Z
on 04/05/2025, 14:11:31 UTC
Iniisip ko kung saang applications ako may subscription pero iisa lang ang naiisip ko, at yun ay Netflix. Cheesy Yung pinakamababang subscription pa yun.

Ang pinaka-apektado dito ay yung mga freelancers at yung mga mayroong subscription sa mga ibat-ibang platforms gaya ng Netflix, Canva, Spotify, baka pati YouTube Premium atbp. Hindi ko alam kung anong magiging epekto nito sa mga maaapektuhan pero panigurado, hindi naman natin mararamdaman kung saan pupunta tong mga makukuha nilang mga TAX. Patungkol naman sa sistema, hindi ko alam kung darating pa yung time na may pagbabago na darating sa bansa natin. Buti nga may mga mayors pa tayo na hindi nasisilaw sa pera at purong paglilingkod lamang ang ginagawa nila.
Lahat yan na nabanggit as long na galing sa digital transactions ay possible mag re-reflect yung 12% added value tax, hindi man from June this year baka in the next few months naman.

Subra-subra kase ang obvious na kurapsyon from national gov. Laki ng utang and added tax from this admin pero walang improvement or new infra project man lang. Unlike on the past admin na malaki ang utang then may tax then may added tax pero sa mga unnecessary products lang, also ang daming project, new roads, airports, sea ports, etc. which will cause to new jobs. Pero ngayon, wala eh, puro utang, then ayuda, ang may malaking benefits ay yung pulitiko at mga tambay na nakakuha ng ayuda.