Tama yang ginagawa mo dude, diba sabi nga don't put our eggs in one basket lang, maganda nga na ikalat mo sa iba't-ibang mga kilalang exchange na kasama sa mga top listed exchange, dahl ako man ganyan din ang ginagawa ko nakakalat sa 4 na exchange na kasama sa top listed din naman.
nasa 6 digits din yung value ng mga assets ko sa bawat exchange, most of them napapalago ko yung assets ko sa pamamagitan ng spot trading, though yung iba ay ginagawa ko sa futures trading in a small amount of fund lang naman.
Kung gamit na gamit mo lahat ng funds na yun sa spot at futures, okay lang talaga na hayaan na nandun lang yun para mabilis ka lang makakilos kung kailangan mo bumili o magbenta. Kung literal lang na ginawang imbakan yung mga top exchanges, masyadong mahirap kapag ganun tapos ganyan kalakihang halaga ng pera ang naiwan dun. Kaya tama talaga na ikalat sa iba't ibang exchanges para kung sakali mang may hindi magandang mangyari, naikalat mo na yung mga assets mo. Pero kung sa long term naman at walang balak magtrade, mas maganda na nasa hardware wallets lang.