Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 12% VAT on Digital Services
by
LogitechMouse
on 07/05/2025, 13:32:27 UTC
Ang tanong dito at magandang pag usapan is reasonable ba na lagyan ng tax yung ganitong mga Digital Services.

Papasok na rin ba dito yung mga transaction na gamit bitcoin sa pag bili ng digital services? Or yung mga PHP transaction lang? For sure merong mga app na pwedeng pang bayad? Gusto ko malaman kung kasama ba ang bitcoin na pagbili ng digital services ay ma tatax din ng 12% kung hindi mainam na mag avail tayo gamit ng bitcoin para walang tax. Tama ba? Okay sablay yung tingin ko. Kasi di ba hindi pa regulated.

Pero kung ako tatanungin katulad nyo din na ang iniisip mabuti kong talagang yung buwis na ito napupunta sa tama, eh kung binubulsa lang naman kawawa talaga.
Di ko alam pero may mga digital services ba na famous sa ating bansa na nag aaccept ng Bitcoin para makapag subscribe? Wala kasi akong alam eh pero sa tingin ko hindi papasok pero wala talaga akong alam na platform na affected ng 12% VAT na nag-aaccept ng Bitcoin.

Binubulsa nga ba talaga nila? Hindi natin alam dahil wala naman tayong matibay na ebidensya bukod sa mga proyekto at infrastractures na ang tagal matapos at ang baba pa ng kalidad at madaling masira. May mga napupunta naman sa tama. Yun nga lang, malaki ang kinukurakot. Bilang mamamayan, ang tangi nating magagawa ay wag ihalal tong mga tao na ito na nagbubulsa ng kaban ng bayan. Sakto eleksyon na sa susunod na linggo. Cheesy Bumoto ng tama. Cheesy