Mas lalo pang tataas yan in the future hanggang nanalo ang mga ganitong klaseng pulitiko. More tax collection more money to corrupt kaya pursigido yan magpataw ng tax at palakihin pa ito dahil “kulang” daw sa pondo na wala naman pinag gagamitan ng maayos.
Puro privatization na nga tayo.
Sobra na tayo sa taxation tapos dadagdagan pa, may excise tax pa, may sin tax pa, may vat pa sa lahat ng binibili at kinakain nila. Hindi na ba sila naawa sa mga normal ang pamumuhay at naghihikahos? samantalang sila, busog na busog na sa galing sa kaban ng bayan ang yaman nila.
Pasintabi sa mga Govt officials dito pero yan ang totoo, if youre one then make sure you are clean konsensya na lang yan if dyan mo kunin sa ganyang gawain mo kukunin ang papakaen sa pamilya.
May mga kaibigan ako sa gobyerno na empleyado at nakukuwento nila pati sila walang kasiguraduhan dahil kung paano daw pondohan ang ahensya nila, puwedeng magbawas ng departmento, ibig sabihin baka pati mismong department nila ay malusaw o mawala dahil sa kakulangan ng allotted budget sa kanila. Kaya kahit mismong government employees, nangangamba na baka madamay sa incompetence na kung anomang meron sa kasalukuyang admin.
Para sa akin masyadong malaking dagok to sa mga mamamayan na nag tatrabaho lang naman ng maayos, masyadong malaki ng 12% tapos ang baba lang naman ng kitaan dito sa atin sa pinas, isa sa mga affected dito ay yung mga freelancer din kase required na din sila mag bayad ng tax well even though others is nag babayad naman pero still huge impact to tsaka most of the time regards naman sa digital goods and services sobrang convinient nito sa atin pero ngayon may tax pa lalo yung subscription ko tuloy sa mga online is dadagdag na naman sa expenses.
Yung pampawala ng pagod at yung mga tools na kailangan sa trabaho, taxed na, may dagdag pa. Ang dami ko nakikitang freelancers ngayon na may dagdag $2-$8 yung fees na babayaran nila, malaking bagay na sana kaso umaaray yung mga nakikita ko.
Ang tanong dito at magandang pag usapan is reasonable ba na lagyan ng tax yung ganitong mga Digital Services.
Papasok na rin ba dito yung mga transaction na gamit bitcoin sa pag bili ng digital services? Or yung mga PHP transaction lang? For sure merong mga app na pwedeng pang bayad? Gusto ko malaman kung kasama ba ang bitcoin na pagbili ng digital services ay ma tatax din ng 12% kung hindi mainam na mag avail tayo gamit ng bitcoin para walang tax. Tama ba? Okay sablay yung tingin ko. Kasi di ba hindi pa regulated.
Pero kung ako tatanungin katulad nyo din na ang iniisip mabuti kong talagang yung buwis na ito napupunta sa tama, eh kung binubulsa lang naman kawawa talaga.
Hindi ko pa sure at natry ito pero kasi pag sa invoicing at pricing, kunwari sa netflix 612 pesos na ata yung dating 450-500 na subscription nila. So, kung babayaran man sa Bitcoin, na tax na yung babayaran mo at yung additional na vat ang ireremit ni netflix sa gobyerno natin. Kaya kung bitcoin man, php or usd ang gagamiting pambayad, nadagdag na yung vat. Parang sa jolibee lang, naka-vat na agad yung chicken joy na oorderin natin. Wala talaga sanang problema kung nakikita natin saan napupunta yung pera kaso, di natin alam kung saan.
Anything related sa Bitcoin?
Hmmm. I am curious, for sure if magiging successful ito, baka next ay ang mga related naman sa Bitcoin or cryptocurrency? Like what if sa mga exchanges sa Pinas or magpapalit ka, posible kaya ito sasunod?
May posibilidad dahil 'digital' pwede nilang amyendahan na idagdag na sa lahat ng local/international exchanges, lahat ng transactions na palabas sa kanila na papunta sa isang customer na naninirahan sa Pilipinas ay required silang bawasan yung withdrawal amount ng 12% vat.