Matagal na ako dito sa Bitcointalk.org and matagal na rin ako nagbibitcoin pero sobrang bagal ng usad ng galaw at ng buhay ko sa paggamit ng bitcoin at iba pang crypto. Nagsimula ako sa faucets hanggang sa natuto ng mga kung anuanong diskarte at nakakapaginvest ng pakontikonti pero maski 1BTC hindi ako makaipon (pinakamalaki kong ipon .2 BTC wayback kopong kopong pa at na napunta lang din sa luging negosyo). Pahingi naman ng payo mga kapatid, kailangan ko lang tlga makagawa ng resulta para sa Stage 4 pancreatic cancer ng tatay ko, almost every week ang bili ng dugo nasisimot na ang pondo ko at ng pamilya.
Kinalulungkot ko yung pinagdadaanan ng tatay mo, at sa nakita ko ay nasa degenerative stage na ang tatay mo, himala nalang talaga ang pwedeng mangyari kapag naovercome yan ng tatay mo op, Saka sinilip ko kung kelan ka napadpad dito sa forum at 2013 kapa pala nandito op, nauna kapa sa akin. Samantalang ako ay 2017 lang.
Pero hindi mo manlang napataas ang rank ng account mo dito, pero sana kung meron kang skills na maiaalok sa service section natin ay pwede kang makagawa ng sideline dito for sure kung meron ka nga lang talaga. Dalangin ko na sana kung loobin ng maykapal ay tulungan ang magulang mo na pagalingin nya ito. Pasensya kana at wala din akong maibibigay na financial help sayo op.
