Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 12% VAT on Digital Services
by
finaleshot2016
on 10/05/2025, 23:26:30 UTC

Kaka renew ko lang sa Netflix at next month ay may patong na sila na 12% sa ngayun Netflix pa lang naman ang may notification at kung marami kang online digital services kung saan subscribers at di naman nadadagdagan ang kita mo malamang need mo talaga mag bawas.
Kapag nagpapataw o nagtatas ang charge ng mga binabayaran tulad ng mga bills dalawa lang ang pwede mo gawin ang magbawas ka o mag level ka ng income mo, kaya mamimili katalaga sa dalawa.
Good luck sa additional charges, if feel worth it naman yung subscription even na mag taas sila ng fees au goods na yun, pero if minsanan ka lang manood, mag isip-isip kana. Sa loklok lang ako occasional manood, kr kung saan merong available lol
Safe din siguro kung iavail na ng 1 year sub lahat ng pwedeng i-avail tapos next year ka na mag 12% vat if kailangan mo pa yung platform? hirap kasi pag monthy din. Sana magkaroon din discount mga platform is yearly ang payment para hindi masyadong makinabang gobyerno sa ganyan, wala naman din patutunguhan eh.

nararamdaman naman kasi nila yung mga kinakalta sa kanila at nagagamit sa magandang bagay.
Nung nakaraang taon buwan ng Disyembre, nakita ko ang Singapore. Airport plang grabe na, tapos nag CR ako sa public CR sa gilid ng highway, napakabango, daig pa yung CR sa mall natin na binabayaran.
Dito kasi satin gumawaga ng paraan para sa tax tapos lulustayin sa ibang bagay Sad
Nararamdaman nila doon, dito kasi talaga sa atin hindi tsaka I agree na sobrang laking gap ng singapore sa pilipinas. Kaya ewan ko ba punong puno na ng buwaya sa gobyerno and I hope bukas ayus ayusin ng mga tao kung sino ilalagay nila kasi kakasawa na din yung mga politikong wala namang ginawa kundi magpataw ng hindi makatarungan na batas sa bansa.