Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 12% VAT on Digital Services
by
Peanutswar
on 11/05/2025, 13:34:55 UTC

Dagdag gastos sa tao pero hindi naman ramdam sa gobyerno.
Yung netflix papatawan narin, dagdag gastos, liliit lalo ang savings ng taong bayan.

Kaka renew ko lang sa Netflix at next month ay may patong na sila na 12% sa ngayun Netflix pa lang naman ang may notification at kung marami kang online digital services kung saan subscribers at di naman nadadagdagan ang kita mo malamang need mo talaga mag bawas.
Kapag nagpapataw o nagtatas ang charge ng mga binabayaran tulad ng mga bills dalawa lang ang pwede mo gawin ang magbawas ka o mag level ka ng income mo, kaya mamimili katalaga sa dalawa.

Oo tama ka dyan, wala rin naman kasi tayong magagawa na magreklamo dahil regulated business din kasi ang mga yan sa goyberno natin, katulad mo nagnotify din sa akin ang Netflix sa email ko at ayun nga yung dating 249 monthly na binabayaran ko sa kanila ay ngayon by next month ay magiging 279 pesos na ang buwanan ko, malaking bagay parin yung 30 pesos na dinagdag sa akin.

Nagdagdag ang gobyerno dahil gusto nila mas madami silang pagnakawan ng pera, sa dami ba naman ng mga pinoy sa bansa natin ay hindi lang trilllions ang pwedeng manakaw ng mga kawatang mga opisyales natin sa gobyerno sa totoo lang.

Pansin ko nga eh parang ngayong taon halos walang pabor yung nga nangyayari sa mga taong mamamayan, wala eh di pa din kase natuto ang pinoy sa pag pili ng mga taong uupo sa gobyerno maski sila tinataboy yung mga mamamayan natin nag bubulag bulagan hoping maging lesson din ito kasi ang pangako nila mas mumura ang mga bilihin at gastos pero ang nangyari is mas nag suffer tayong mga consumer kaya nakaka lungkot lang dito another expenses na naman natin ito.