Kung kumikita ka, may 12% deduction (VAT) sa kita mo.
Kung maga-avail ka, may 12% (VAT) na dagdag sa babayaran mo.
Ibig sabihin ba nito kabayan na may 12% patong na yong mga goods na binibili natin sa Shopee, Lazada or Temu?
Napansin ko lang kasi medyo mahal yong nabili ko na goods at sabi pa doon ay "VAT Included".
Oo kabayan. Kung considered na yan sa additional 12% VAT sa mga digital goods or dahil yung paggamit mo para sa purchase na yan ay through digital tulad ng mga nasabi mong online shops kaya medyo nagmahal.
Epekto na kaya to sa batas na to?
Sa June pa talaga ang implementation niyan pero kung nagkaroon man ng increase, mas madadagdagan pa yan next month.
Malamang sa malamang apektado yan kabayan kasi nga lahat ng digital services ang tatamaan nyan kung magdedeklara un may ari ng store na kinikita nya yung pera galing sa online sales or services damay yan, pero ang pagkakarinig ko eh yung mga freelance services na nakadeklara silang nag proprovide ng service nila yung site na yun ang talagang sapul sa pagsalo ng batas na to'.
Tama. Kaya yung mga maliliit na stores, madaming magdedecide na magsara nalang. Dahil magmula sa pagproseso ng permits, pera at bayad agad. Tapos sa kaltas pa ng digital platform, tapos may VAT pa. Wala na sila halos tubuin kaya mas okay na balik nalang sila sa dating gawi, wala pang sakit ng ulo.