At yan yun sinasabi sa section 7 ng guidelines na yan na dapat registered sila bilang isang corporation na related sa pera at regulated ng BSP. Sa madaling salita, bilang mga financial advisors.
Kaya yung ibang mga KOL o mga social media crypto influencers dito sa bansa natin naglabasan din sila ng komento tungkol dito.
Ito yung karugtong na pasok sa mga dapat mag register kapag ginagawa nila itong mga bagay na ito na kasama din sa Section 7 nitong CASP guideline, damay ang airdrops, kahit mga educational contents.
Isa lang ang kilala kong content creator dito sa atin sa forum at yun ay si boss mk4 na goods yung mga airdrops na nililist niya sa website niya. Panigurado may opinyon na siya dito. At siyempre, kayo mga kabayan ano sa tingin niyo? Hindi itong yung ineexpect natin kay SEC na dapat ay ibang guidelines na mas papabor sa atin.