Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PH SEC: 'Crypto influencers' = Financial advisors
by
bhadz
on 11/06/2025, 22:24:51 UTC
Nakita ko nga ito well in some part para sakin ah may point din naman kung bakit kasi yung iba talagang shill lang sa mga project eh tapos yung iba kase sa kanila may allocation na so tamang invite nalang sila sa mga newbie kumbaga affliate eh siguro na notice nila na paldo yung mga influencers ng crypto kaya ganito, pero may ibang mga crypto influencers din naman kasi na sharing knowledge lang talaga ang gusto pero ayun nga if na regulate na ito talagang wala na halos mag promote ng crypto dito yung mga legal takes groups nalang.
Paid shilling pa, ang masama kaya sila todo advertise para makakuha ng mga pinoy investors na walang kaalam alam. At dahil ang tiwala ng karamihan ng kababayan natin ay base sa pagiging influencer, kaya ok lang at alam ng mga advertisers na effective ang ganyan marketing. Ang sistema kasi ganito; "endorsed yan ni influencer 'x' kaya ok lang mag invest diyan'. At ito yung parang nagiging deciding factor din sa kanila kaya may pera nga pero tamad naman na din magresearch ang iba. Tapos kapag may nag comment sa kanila na affiliates lang ang habol nila, tinatanggi nila.

...at wag ka magpopost ng income mo...
This is the reason why naging batas yung dating naging issue about the taxing online kasama na ang mga nag fre-freelance dahil panay post ng mga 6 digits na sahod nila yung ibang influencers at mga nakapag experience ng ganong sahod.
Eh, freelancer daw madami pera lalo na mga VAs, eh iilan lang naman sila, at tsambahan lang ng makakuha ng ganung mga clients na hanggang 3-5 clients, pagod at uras ang puhunan at ilang uras nalang tulog. Kaya yun batas na, baka mayamaya makapag idea naman si recto anu pwede i-tax lol.
Tama. Siguro sa flexing na yun, minsan lang din kasi makakuha ng ganung sahod kaya sa sobrang saya at na overwhelmed, ayan nakita nila at ginawang batas para magkaltas. Ang akala nila permanente yung ganyang sahuran sa freelancing, may mga panahon na bagsak din naman at matumal.