Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Pwede na pala tayong mag trade sa US stock market.
by
LogitechMouse
on 12/06/2025, 10:55:18 UTC
⭐ Merited by cryptoaddictchie (1)
Pwedeng pag aralan yan kabayan.. pero kung kumikita naman tayo sa crypto trading, bakit liipat pa tayo.?

Portfolio diversification lol.

Note: buying other alts is not "diversification".

Sorry nilakihan ko yung note kasi gusto ko i-emphasize na BUYING ALTCOINS = DIVERSIFICATION.

Maraming ang tingin sa diversification ay pagbili ng maraming coins either Bitcoin or altcoins. Ang hindi nila naiintindihan ay pare-parehas lang sila ng price movement. Pag bagsak Bitcoin, bagsak malala din ang altcoins, and vice-versa. Ang tamang diversification para sa akin ay pag-iinvest sa ibat-ibang asset classes gaya ng pag-invest sa real estate, or sa stock market, or sa bond market. Sa ganung paraan, kahit bumagsak man ang crypto market, pwedeng hindi bumagsak ang real estate market or bond market.

---
Sino bang mga interested dito sa atin?
crypto traders tayo, pero kung may change maka pag trade sa US market, why not?
Para sa akin, mas predictable ang movement ng US stock market kumpara sa crypto market kaya pwedeng mas malaki ang kitain ng mga traders sa stock market, pero hindi ibig sabihin na kahit mas predictable eh automatic profit na. Mas less volatile lang compared sa crypto.

Naalala ko ulit yung Etoro dito pero dahil hindi na tau pwede gumamit nun, need na nating maghanap ng iba. Hindi ko alam pero panigurado may mga tao dito na pamilyar sa app na Exness. May mga gumamit na ba nun dito at pwede din ba tayo mag buy and sell ng stocks dun bukod sa Gold?