Base sa aking karanasan marami sa atin mga kababayan ay hindi literate sa computer o maging sa cellphone para i adopt ang cryptocurrency sa kanilang everyday life.
Ganito kasi yon kabayan, mostly sa mga kapwa natin Pinoy ay hindi pa ganoon talaga ka-knowledgeable sa Bitcoin. May mga kakilala ako na ang tingin nga sa cryptocurrency ay scam. Eto ay dahil kulang na kulang sila sa kung ano ba talaga ang Bitcoin as cryptocurrency, kung paano ito nagagamit as investment. Madalas kapag narinig nila ang word na investment sapagkat ang Bitcoin naman talaga ay isang long term investment, nagiging redflag itong word na to sa karamihan.
Isa pa, ang government naman natin ay hindi din totally supported ito kaya paano magiging mabilis and adoption dito sa Pilipinas diba?