parang bumili ng gold bar sa Tondo tapos magugulat nalang na peke pala.
Yun lang ang masaklap pinili nyang bumili sa maling vendor kaya na experience nya ang pinaka masaklap na pangyayari sa kaniyang buhay, at napaka expensive ng lesson na dapat nyang matutunan sa pangyayaring nyan.
Sa tingin ko ay talagang pag walang bahala lang ng quality stuff. Kaya pinakamaganda talaga ay legitimate sellers and check yung mga multiple online sellers with the right representatives. Lalo na sa atin, yung mga katulad ng Ledger and Trezor, may kanya kanyang distributor sa bansa at dapat dun lang sa mga nakalagay sa site or recognized by them. Mahirap na talaga.
"Uy! 1K na lang yung hardware wallet, makabili nga." If it's too good to be true, alam na.
Kung kaya talaga mag lagak ng malaking halaga sa kanilang hardware wallets better talaga na kumuha sa lehitimong sources kahit na mahal pa ito.
Ang pagtitipid ay mag cause lamang ng problema kagaya ng nangyari sa subject natin at to bad he lost lots of money due to this issues.
For sure ganito talaga nangyayari din pag nabili sila sa mga unaothorized reseller ng mga kilalang authentic na mga hardware wallet.
Kahit dito sa atin, puro mga nag bebenta sa Pilipinas ay mga reseller na, walang official store mismo like Ledger or Trezor, kaya dapat e verify natin yung binibilhan natin, may mga list ang mga hardware wallet companies kung sino mga legit na authorized reseller at dun lang tayo dapat bumili.
Verify talaga at kung di parin satisfied sa mga information na nakuha nila matutong mag tanong pa sa mga mas may kaalaman pa sa kanila para makahingi ng good advice at maka iwas sa mga ganitong masaklap na pangyayari.
Sakit sa ulo ng mga ganitong kaso, iyong inakala natin na safe ay tampered pala. Siguro matagal ng binibilhan nung nahack iyong seller. Kasi di naman magtitiwala ng ganun ganun lang iyong investors kung hindi nya matagal na itong binibilhan.
Di din siguro dahil kung matagal na niyang binibilhan ito baka malabo na itong bumili ulit at mag settle na lang sa mga hardware wallets na meron sya.
Ang laki ng nawala. Kaya ako hinding hindi ako bibili sa mga online shops unless authorized resellers sila, actually I think we have the same problem as you can see hindi kana pwede bumili ng Ledger to Philippines unlike dati na pwede, I don't know the reason pero yung sa nabasa ko is dahil yata sa sanction kaya hindi sila makapag export sa Pinas. Going back sa investor, possible na hindi din makapag import yung mga hardware wallet companies sa China kaya siguro napagdesisyunan nito bumili sa Tiktok (China version), pero kung may ganon kang kalaking pera syempre mas maigi na mag invest ka talaga sa security possible na may mga resselers sa China or any other alternative makakuha ka lang talaga ng secured na device.
Mahirap talaga magtiwala sa mga online shops lang lalo na kung di natin alam ang kanilang reputation dahil possible na tampered na ang mabili natin at baka ma surprise nalang tayo na wala na yung nilagay na funds natin sa wallet na yun.