Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Mga uri ng SCAM sa Pilipinas
by
romeitaly
on 25/06/2025, 00:16:39 UTC
Just want to add yung TASK SCAM, my friend is a victim and hindi rin biro yung amount na nawala. Eto yung mga random na nag memessage thru viber na nagaalok ng task to follow or like certain shops sa mga online shopping then may kapalit na reward and isesend via online banks. Sa una legit daw sila na babayaran ka to get your trust then aalukin ka na para magpasok ng pera sa platform nila to make it double or more. Sinali yung friend ko sa TG group and they will do everything to convince you daw then once na magpasok ka na ng pera pipilitin ka na dagdagan mo pa yung investment kuno to claim the rewards for the initial amount na pinasok. Then once na for claiming ka na, gagawa sila ng way to freeze your account or hold and ang tanging paraan lang is to invest more. Too late na nung narealize ng friend ko na pinapasakay lang siya ng scammers, and naconvince kasi siya ng kawork na legit yung mga ganung task dahil nakakuha daw it ng pera. Anyways I'm sharing this to inform, para maiwasan na may mabiktima pa. Hindi rin ito bagong way to scam since may mga ibang friends din kami na almost same yung style. If they have the chance to read or know this kind of topics exist baka naiwasan pa. So thank you for opening up this topic so everyone can share and be informed.