We have a lots of infrastructure like solar, hydro and windmill ang Pilipinas. Tingin ko kayang kaya ng Government mag explore and makaisip ng way pano gagaya sa mga bansa na nagembrace sa potential ng bitcoin mining. Siguro if may pro Crypto lang na maluluklok or kahit isa sa good adviser ng Presidente na maipaliwanag ang mga bagay na ganito baka sakali mabigyan ng chance yung idea to set up na katulad sa ibang bansa.
Marami nga tayong equipment at mga tools na pwede nating i-maximize para maging mas okay pa ang bansa natin pero tignan mo naman kung saan nakafocus ang gobyerno natin ngayon. Impeachment, mga Senador na hindi united, mga ibang problema na hindi naman nakakatulong sa ibang mga tao. Kaya nahuhuli tayo pagdating sa development dahil ang gobyerno natin mismo ay hindi gumagawa ng aksyon para mas ma-develop pa ang bansa natin.
Sadly, ang gobyerno natin ay walang stance pagdating sa crypto. Para sa kanila, hindi existing ang cryptocurrency kaya hindi sila gumagawa ng aksyon. Minsan naiinggit ako sa ibang mga bansa na ang kanilang gobyerno ay involve sa cryptocurrency gaya ng Bhutan or kahit sa US na lang kung saan nag-lalagay sila ng mga tao na may knowledge sa cryptocurrencies. TBH, di ko alam kung kelan un mangyayari sa bansa natin or kung mangyayari man ito sa bansa natin.
Marami tayong mga gamit na pwede nating gamitin. Sagana tayo sa mga resources, pero kung walang tulong galing sa gobyerno, wala rin.