-deleted
Recieving message from telegram from out of nowhere , is already a redflag , hindi lang iyon madalas diyan nanakawan din tayo ng credentials, at minsan malala nacompromise pa ang telegram account.
Bakit? kasi may mga links din minsan at dahil ang iba ay curious napipindot at ayun biglang logout ng account nila.
Kelan ko narinig itong review na ito matagal na mga 2009 meron na ganeto e, na parang points or parts of dollar at kelangan may mabuo ka na certain amount para mawidthdraw duon palang pagod kna, ngayon kasi lahat sa internet possible maging backdoor ng mga hacker kaya ingat nadin.
Tama kung legitimate talaga sila di sila gagawa ng ganyang aksyon tanging scammer lamang ang mag sesend sayo ng random message lalo na't sa telegram mo pa ito na receive.
Yang bayad thru gcash ay malamang diyan madadali ang mabibiktima nila sa kanilang mga kalokohan na yan I think, Saka ngayon ko lang nalaman pati yan, so gayunpaman ay salamat parin sayo op sa pagpapaalala sa ganitong bagay dito sa ating lokal section.
Ang mga scammer talaga hindii nauubusan ng paraan para makapang-scam ng mga taong walang alam, alam kasi nila na madaming mga tao ang naghahanap ng paraan na kumita sa mabilis na paraan kaya sa ganitong paraan din nila ginagawa para makakuha din sila ng fund sa mga walang alam sa pangtrap na gagawin nila.
Naisip ko din parang similar lang din to sa tasking scams na kumakalat dati at nag innovate lang sila ngayon para kunwari convincing yung pang scam nila.
Di talaga yan mauubusan dahil gagawa at gagawa ng paraan ang mga yan makapang biktima lang.
What if baliktarin natin yung sitwasyon? Mangyayari kaya.
Sakyan natin yung modus nila. Gawin natin yung pag rereview ng movies tapos pag binayaran na tayo, saktong bounce na tayo kasama ung bayad nila.

As long as hindi tayo magbibigay ng pera sa kanila, hindi ka masscam. Parang same lang ito sa "task scam" pero mas madali na ito ngayon at panigurado, marami sa mga kababayan natin ang pwedeng maakit sa ganito kalaking kitaan sa loob lang ng isang araw. Sana walang mascam na kababayan natin dito lalo na't sa Telegram ito kung saan napakadaming mga scammers.
Basta ganito na lang ang tandaan natin. Pag random stranger ang nag-approach sa atin, automatic na scam na yun... o around 99% chance na scam.
Matalino na ang mga yan at for sure alam na din nila ang galawan ng mga tao kaya successful ang mga yan. Parang coordinated ang galawan nila dahil kahit ngayon nakakatanggap parin ako ng ganyang offer coming from different telegram accounts.
Sa tingin ko hindi kana aabot sa pag review ma scam kana.

Nakita ko you need to register first to make an account at sa tingin ko diyan magsimula ang scam.
Syempre through gcash nga yung payment diba, so they will ask a code or a confirmation code from your gcash number, na maaaring iyon ang log in code mo para ma access nila ang gcash mo.
Sa ganyang paraan pwedi na nila ma access ang gcash mo at ma compromise ito.
For sure dun talaga hahantong to since common na mangyayari ay manghihingi muna sila ng bayad bago mo ma withdraw yung mga earnings mo sa pag review mo ng movie. Kaya ang mga di pa alam ang schemes na ito ay mapipilitan mag deposit para makuha yung pera nila pero ang ending scam ang aabutin nila talaga nito.