Post
Topic
Board Pilipinas
Re: gatchalian, hinihikayat na paghigpitan ang laban sa mga illegal gaming websites
by
gunhell16
on 01/07/2025, 13:34:55 UTC
napansin ko na dumarami na nga ang mga gaming o gambling sites dito sa bansa. may nakita pa nga ako na ipinalabas sa tv bilang isang commercial. naririnig ko rin mula sa mga kapitbahay ang walang sawang paglalaro sa mga online sites na ito. napakalaking balita rito ang tungkol sa pogo kaya't understandable na gugustuhin na ng mga politiko, partikular na si gatchalian na maghigpit sa mga gaming websites ngayon.

ayon sa pnp report, marami raw sa mga filipino ang naging scammers dahil natuto sa pogo bago pa ito mapahinto. naisip ko tuloy kung ang paghihigpit ba na ito ay magdudulot na mawala na ng tuluyan ang mga gaming websites? baka kasi sa sobrang higpit ay kahit ang mga legit sites ay mahirapan rin. ano sa tingin nyo? pabor ka ba kung sakali na maghigpit sa mga pilipinong gumagamit ng gaming sites online?

Nung simula nang maging matunog ang pag-anunsyo ni bbm na ban na ang Pogo ay wala naman akong nakitang kahigpitan pagdating sa usaping gambling promotion, dahil mas lalo pa ngang lumuwag sa pagpromote ng mga online casino at mas tumaas pa nga ang bilang ng mga influencers na nagpopromote ng gambling website na pinasok narin ng mga kilalang mga lokal artist natin katulad ni Vic Sotto, Alden Richard, Mae mendoza, at maging si Ivana,Piolo pascual at Paquiao.

So dito palang sa mga artistang mga binanggit ko magtataka paba tayo kung bakit mas lumaganap ngayon ang mga nahilig sa paglalaro ng online gambling casino? Tapos ngayon magpapakita sila ng paghihigpit, eh para sa akin palabas lang ni Gatchalian yan, edi sana dapat sa simula palang ng pagban sa Pogo at pinalit ay PIGO ay ginawa na nila agad yan, pero bakit ngayon lang? hinintay pa nilang dumami ang mga nalulong sa sugal dahil sa pagpromote ng mga online casino dahil pinalit nila ay PIGO sapagkat mga pinoy na ang may-ari ng mga casino at nagpoprotekta dito?