Post
Topic
Board Pilipinas
Re: gatchalian, hinihikayat na paghigpitan ang laban sa mga illegal gaming websites
by
Peanutswar
on 01/07/2025, 13:57:19 UTC
napansin ko na dumarami na nga ang mga gaming o gambling sites dito sa bansa. may nakita pa nga ako na ipinalabas sa tv bilang isang commercial. naririnig ko rin mula sa mga kapitbahay ang walang sawang paglalaro sa mga online sites na ito. napakalaking balita rito ang tungkol sa pogo kaya't understandable na gugustuhin na ng mga politiko, partikular na si gatchalian na maghigpit sa mga gaming websites ngayon.

ayon sa pnp report, marami raw sa mga filipino ang naging scammers dahil natuto sa pogo bago pa ito mapahinto. naisip ko tuloy kung ang paghihigpit ba na ito ay magdudulot na mawala na ng tuluyan ang mga gaming websites? baka kasi sa sobrang higpit ay kahit ang mga legit sites ay mahirapan rin. ano sa tingin nyo? pabor ka ba kung sakali na maghigpit sa mga pilipinong gumagamit ng gaming sites online?

May nakita nga akong topic before about sa ibang bansa such as japan na banned sa kanila yung mga online gambling nayan so hopefully ma adopt din sa atin pero ayun mga pero feeling ko medyo malabo pa itong mangyare kasi bakit?, lahat sila kumikita sa mga gambling casino na ito, isa sila sa mga larga tax contributors and imagine yung mga possible iba bang transactions na not recorded diba so madali lang para sa kanila mag papasa ng mga operation nito ang possible lang ata magawa nila is yung matanggal nila ung mga unregulated kahit paano eh. So far malayo pa nakikita kong gagawa sila ng action unless chaotic na nangyayari.