Ang isa sa technique ng mga influencers dito sa Pinas para makapang akit ng mga invites ay yung pinapakita nila sa pamamagitan ng pagpopost yung na gain nila sa isang airdrop, mayroon nga akong nakita na milyon yung nakuha nya. Siguro ay uminit ang mata ng SEC at kaya nangyari ang ganito at gusto nilang makibahagi sa mga kinikita ng mga influencers sa airdrops. Sa totoo lang ang mga influencers ang mas apektado dito kasi sila ang may madaming nakukuhang mga invites kumpara sa mga normal na airdroppers. Inshort mababawasan talaga ang kita nila kapag pinagbawalan na silang mag shill ng mga airdrop. Sa tingin ko sa ngayon ay patuloy lang eto hanggat wala pang nasasample lan.
Kung before ay umubra sa kanila yan but this time hindi na uubra ang panghahype ng mga sinungaling na mga majority influencers na yan, sila din naman ang gumawa ng ikakawala nila ng kanilang mga source of income, ang masaklap nito ay dinamay pa nila ang ibang mga crypto influencers na matitino.
Kaya yang mga kumag na puro hype lang ang gagawin sigurado ako sa gambling promotion naman sila lilipat ng content nila, bagay na mas malala pa dahil madami naman silang sisirain na buhay ng ibang mga tao at kahit mga minors for sure ay mabibiktima din nila.
Yan din ang tingin ko kabayan, since nakakuha na sila ng crowd at mga viewers Pde nila idivert yung attention ng mga taong naka follow sa kanila, sa ngayon maliban sa Pag hype ng mga crypto project kuno ' pwede na sila sumabak naman sa gambling side ng promotion, dahil sa pera pera lang din naman nasa isip ng mga yan kaya pasok na lang ng pasok.
Yun nga legit na talagang para sa crypto Gaya naman ng sinabi ko hahanap at hahanap sila ng paraan para iwas pusoy at business as usual sila hehe.