Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Review movie scam ingat kayo mga kabayan.
by
romeitaly
on 02/07/2025, 08:12:54 UTC
Recently lang dami nag send sakin ng random message sa Telegram about mag review daw ng movies at kikita ka agad ng malaking halaga.

Gaya nito.
---
Diba ganun lang kadali  Cheesy at for sure isa na naman to sa running modus ng mga scammer ngayon at manghihingi ng  bayad thru gcash or di kaya Bitcoin.

Kaya wag agad maniniwala sa mga ganito. Ugaliin suriin ang sasalihan at pag may rektang nag alok sayo na di mo kakilala ay magduda kana.

Kaya again ingat mga kabayan daming scam offer sa telegram.

What if baliktarin natin yung sitwasyon? Mangyayari kaya.
Sakyan natin yung modus nila. Gawin natin yung pag rereview ng movies tapos pag binayaran na tayo, saktong bounce na tayo kasama ung bayad nila. Cheesy

As long as hindi tayo magbibigay ng pera sa kanila, hindi ka masscam. Parang same lang ito sa "task scam" pero mas madali na ito ngayon at panigurado, marami sa mga kababayan natin ang pwedeng maakit sa ganito kalaking kitaan sa loob lang ng isang araw. Sana walang mascam na kababayan natin dito lalo na't sa Telegram ito kung saan napakadaming mga scammers.

Basta ganito na lang ang tandaan natin. Pag random stranger ang nag-approach sa atin, automatic na scam na yun... o around 99% chance na scam.

Yes possible ito, dahil yung mga friend ko ganito din ang tinuro sa akin na pwede mo namang ientertain yung mga nag ooffer ng task scam then kapag nakapag payout na, bounce ka na or hahayaan mo nalang sila na kulitin ka para ikaw naman ang magpasok ng pera. Then nakakakuha sila pang meryenda, after ilang weeks na hindi nila pag pansin sa scammer, may mga randon na mag message ulit to offer the same scheme then yun uulitin lang. Basta never ka mag lalabas ng pera. And based on experience talagang red flag yung telegram or even viber messages from random people na nag ooffer ng trabaho or sideline.