Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: [META] Merit Analysis - Pilipinas Local Board
by
Eternad
on 05/07/2025, 06:00:44 UTC
⭐ Merited by arwin100 (1)
Dumadami naman yung masipag dito sa atin pero madami din sigurong demotivated dahil nakikita nilang konti lang ang distribution. Pero kung sa legit na mga discussions, tingin ko na mas okay tayo ngayon kumpara last years.
Yeah I can fairly see yung mga active, pero sa totoo lang mga same name and people, I was hoping din na may mga bago users or mga old users na tumigil lang at bumalik, may mga nakita ako na pailan ilan, na comeback account means good thing. Oo last year mukhang ghost town talaga din halos local natin eh.

Regarding distribution, mahirap talaga iallocate ang smerits sa mas madaming user. Siguro if naincreasan na me ng katulad ng mga old MS na madami talaga ang bigay monthly. Anway darating tayo diyan. Plus points if is crwth matanggap.
Darating din tayo diyan. Yung efforts mo at ng bawat isa ay magiging sulit. Kung tutuusin madaming pinoy dito pero hindi kasi counted ng campaigns nila ang local board kaya siguro bumibisibisita lang sila pero hindi na nakikijoin sa mga discussions. Kahit papano gumagalaw naman ang local board natin at unti unti na yan. Kapag dumami ang allotted sayo bilang MS at kung madagdagan man ng isa pang MS sa atin, panigurado yan mas dadami ang magiging motivated.

Madalang din kasi may magsimula ng thread di tulad sa ibang boards na araw-araw may bagong topic. Dito sa local section natin pansin ko na mabagal ang galaw ng mga post. Yung page 1 ng topic board natin, halos last month pa ibang last reply meaning madalang may nagrereply sa bawat thread.

Suggestion ko dapat magkaroon tayo ng sub-section ng local board natin para yung ibang kababayan natin makagawa ng topic dipende sa sub-section na yun. Yung concept same sa subreddit, may reddit group para sa pagkain, games(online games, etc.), current ph trend, etc. di lang puro tungkol sa crypto pero syempre maintain healthy discussion pa din unlike sa reddit. Ganun yung naisip ko para dumami mag-engage sa local board natin.