Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [META] Merit Analysis - Pilipinas Local Board
by
crwth
on 07/07/2025, 02:43:44 UTC
Pwedi paba madagdagan mo pa yung data analysis ng merit distributed sa latest, from 2023 to until this year?
Sa next update ko dito, isama ko siya. Mag aadd pa ko ng mga local board analysis naman.



Thumbs up mate. Suportahan kita diyan, if ever man bumped mo yung thread attached ka na lang tingin ko ng mga ganitong info na magpapakita nga na talagang needed pa ng merit source saka nakita naman yun nila nutildah kaya tumutulong na siya,

Sana lang magsipag pa ang mga kababayan natij to produce more quality post, kasi isa yan sa possible titignan if ever man ireason out na kulang sa merit source tapos magcheck sila ng mga potential post na goods for merit eh kaunti lang naman active something like that. But all in all, sana matanggap ka na din for MS.
Yun nga eh. Iniisip ko pa kung ano yung mga pwedeng factors para maka add sa case na need na magkaroon pa ng isa. Tama ka diyan na more quality post ang kailangan natin dito sa local board natin.



Pansin ko nga rin, madami sa ibang mga local boards ang nagbibigay ng merits sa mga kababayan nila kaya madali lang rin sila nakakapag rank up. Kaya madami sakanila ang mga nasa campaign na ngayon. Sana ay makapag tulungan rin tayo dito sa local board at mga kapwa pilipino tayo. Grin
May specific board ka ba na nakita na ganun ang gawain? Baka pwede maging case ito para makatulong mas maapprove at makita na worth it tayo bigyan ng isa pang merit source. Siyempre hindi dapat ito para makapasok sa campaign but sa pag improve ng quality sa local board.



Can't forget the era nung na-introduced yung merits, yun yung time na talagang research ako at todo explore ng mga bagay na pwedeng malaman pa ng ibang members. Dami kong natutunan sa crypto, ito lang din tumulong sa akin magbayad ng bills especially nung pandemic era kaya sobrang solid na ma-reach ko yung achievement na from Full member to Legendary na may merit system (malaking flex din halos).

Napa-check din tuloy ako ng mga topics/post created ko that time, dun ko nakita kung paano ako nag-grow sa space na ito. After reaching that milestone, napadpad naman ako sa DeFi at doon ko inapply yung mga natutunan ko which is nagbunga naman.

Hahaha nakakatuwa na sobrang bigdeal ng shitposting dati to the point na report kung report talaga if non-sense ang mga posts (well until now pa din naman) at effort talaga gumawa ng mga topics na parang content creators sa YT. https://bitcointalk.org/index.php?topic=4912128.0

Ngayong may bago tayong merit source, looking forward ako sa bagong data kung sino ang top giver at top receiver.  Grin

Regarding naman don sa application ni @crwth, yeah tagal na nga non and may mga nag push din sa akin magapply for merit source kaso iniintay ko din si crwth that time. Pero now, mas deserve ng iba yung title of merit source especially don sa mga active sa paggawa ng topics sa local.
Congratulations sa mga napagdaanan mo. Deserve mo naman ito. Siguro nga maganda kung mayroon ka din application na. Tingnan na lang natin kung ano ang pwedeng gawin sa application ko. Maganda siguro kung ikaw din.  Grin