Maganda talaga na simulan nadin mag adopt ng mga kababayan natin abroad yung pag gamit ng crypto para sa pag papadala ng pera, pero need muna ng proper knowledge at guide on both the sending and receiving parties para maiwasan ang possible na problema during the transaction. Ang problem naman talaga is yung lack of knowledge ng mga kababayan natin kaya nalilimitahan yung access sa mga gantong paraan paano sana mas makakatipid at mapapadali ang remittance. Kasi if kagaya natin yung mag transact na may alam na at may proper orientation how crypto works, hassle free talaga at masusulit natin yung benefits. Pero if iraise mo yan sa mga kababayan natin lalo sa rural areas na may problem sa internet access, or limited lang yung gadgets baka sobrang tagal bago nila fully mautilize. Pero yes magandang initiative ito na masimulan, small steps lang pero it will add up on how our country and our kababayan will adopt on how to use crypto in everyday use.