Kahit saang Robinson supermarket yan dude pwede kang makakuha ng debit card ng Gotyme, kasi ako dito ako sa rizal province nakakuha ako ng gotyme debit card nila sa supermarket mismo, nalaman ko lang naman yan sa kapitbahay ko na nagtatrabaho sa robinson supermarket, at sinabi lang naman sa akin na kahit san naman daw na supermarket na meron sila basta tanung ka lang sa customer service nila.
Sinunod ko lang yung sinabi sa akin at yun nga totoo yung sinabi nila na free lang daw siya talaga, at sinabihan pa nga ako na samantalahin ko na raw baka dumating ang araw na hindi na maging libre ang debit card in which is pwede nga naman talagang mangyari. Subukan mong pumunta sa malapit dyan sa inyo, sayang din dude.
Legit ito. Yan din kasi gamit ng mga magulang ko na debit card since nakaka withdraw sila at nakakakuha ng points kapag ginagamit yung card nila.
Nagulat dn ako na may savings dn pala ito which is 3.5% per annum. Medyo mababa ito compared sa other bank pero pwede na dn dahil sa reward points.
Libre lng namn yung card kaya walang downside ng paggamit. Much better sa gcash or maya card.
Itong Gotyme lang ang nakita kung digital bank ang free debit card talaga, kasi yang maya, gcash, at seabank meron akong mga debit card nitong mga nabanggit ko, at lahat yan nagpapasok ako ng fund sa mga savings sa features nila sa apps.
Kahit yang Gotyme naglalagay din ako ng funds dyan weekly dahil may nadadagdag din sa savings ko, kahit mga small amount lang at least meron naitatabi kahit papaano.