Ang laki ng electricity cost natin compare sa Bhutan. nasa 0.15 USD/KWH lang sila habang nasa 0.22 (approx) ang sa Pilipinas. nasa almost 50% up tayo compare sa bansang iyan.
Pero, ang anumang bagay ay nagagawan ng paraan, mayroon solar panel at kung anumang energy na pwedeng gamitin, kung! bukas at mulat ang isipan ng gobyerno.
Kung dati pa tayo nagbukas ng ideya sa mudo ng crypto ay maaaring marami naring imbak ang Pilipinas at hindi ang iilang mamamayan. Pero ayaw ng gobyerno at mga oligarkiyang nakapaligid sa mga namumuno lalo na mga bangko. maaapektuhan ang kanilang pananalapi.
Ang isang gobyerno o pamahalaan ay maaaring umangat sa magagandang ideya upang tulungan ang lahat. Maraming bansa na ang mahirap noon at nakaangat na, mula sa developing to developed country na sila dahil ang ideya ay ginagawang makatotohanan at hindi pamumulitika lamang at pangungurakot.
ang unang problema ng bansa ay kurapsyon mabagal na sistema at mga olicgarch. kung malinis lang tayo matagal na tayong maunlad.
Hindi lumayo ang usapan, ito ang dahilan kung bakit wala tayong mga ganyang bagay tulad sa Bhutan.
Pwede ba ang crypto mining sa bansa natin? YES! kayang-kaya.
Mahalaga rin ito para malamig ang panahon at makatipid sa kuryente.
1. Piliin ang malamig na lugar at huwag sa Metro manila, mas maganda ang mga lugar ng Tagaytay, Maraming lugar ng Rizal at Baguio at iba pang malalamig na probinsya.
2. Siguraduhing maganda ang supply ng kuryente at mas mainam kung may solar supply ka rin.