Tingin ko kaya yan ng mga business tycoons natin na into sports. Kung si Manny Pangilinan, smart/pldt ay into basketball. Puwede sana si Ramon Ang dahil may mga car businesses siya na kahit into basketball din sila ay mas maganda kung magsanib pwersa sila para dito dahil sa mga individual sports, magagaling tayong mga pinoy.
Sa tingin ko talaga, kaya naman talaga ng mga tycoons dito. Hindi ko lang alam kung kaya ng infrastructure natin. Kasi for sure malaki ang track na kailangan eh ang mga available na land is nasa malayo na (from metro manila airports) and yung byahe from there papunta sa subic or pampanga ay mahirap. So kung ang audience is 500,000, I don't think kakayanin pa ng current infrastructure natin. Sana ayusin talaga yung mga railways and subways papunta sa mga ganitong lugar.
Eto ang isa sa mga recent news ko na related in a way.
https://visor.ph/cars/smc-will-construct-a-racetrack-drag-strip-and-amusement-park-at-new-manila-international-airport-city/Mayroon na ginagawa sa Bulacan but I don't know kung enough na ito for Formula 1 but it's a start.
Bukod dito, saan ba tayo puwede makanood ng mga live races nila? parang napaka interesting kasi kung nahihilig na din sa mga sasakyan lalo na mga ganitong karera.
Live viewing, ang ginagamit ko is Bein Sports. May bayad lang pero hindi naman sobrang mahal compared sa ibang streaming platforms. Maganda naman and reliable. At least English ang salita. Pwede ka kasi makasubaybay ng libre, mag VPN ka lang. Mostly kung tama naalalala ko, german yung kung saan may free watching, kaso yun nga, ang salita ay German din. Mahirap intindihin.
