~snip
Puwede siguro yung mga pang mini tournament lang, madami dami pang malalaking hektarya ng lupa ang bakante at paniguradong puwedeng iaccomodate mga ganyang tao kaso nga lang liblib na lugar na yan kung dito sa Luzon. Sa Visayas at Mindanao mas madami at basta may resources kaya yan nila ninong Ramon at Manny.
Pwede din. Mga taga Pilipinas na lang muna siguro ang magiging audience. Malaki din kasi ang pwedeng kitain nila kung may mga foreigner na papasok dito sa bansa, pangit lang talaga ang transportasyon natin. Yun ang kailangan i-improve pa, hindi katulad sa ibang bansa, madali lang mag tren kung sakali.
Salamat, ichecheck ko yan. Parang papasibol din na industry yang F1 dito sa bansa natin at parang kahit may edad na puwedeng pumasok ng career kaso medyo may kamahalan lang kaya, maging fan nalang muna hehehe.
Nood nood lang talaga at masaya naman ang mga pangyayari pag nasubaybayan din. May mga magiging bias ka din ba na team and driver haha.