Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Gcash ngbabala tungkol sa bitget
by
tech30338
on 13/07/2025, 06:38:13 UTC
Malaking companya ang GCash dito sa atin bansa at inaalagaan nito ang reputasyon. Kung dinawit sila na walang pormal na kasulatan, kahit sino naman siguro ay hindi talaga i-honor ang sinasabi ng Bitget. Nakakapagtaka lang bakit nag lalabas si Bitget ng ganyang statements na may partnerships sila na walang kasulatan UNLESS mayroon talaga.

Hintayin natin siguro ang sagot ni Bitget dito.
Hindi sasagot ang Bitget patungkol sa sinabi ng GCash dahil at first place, tama naman yung sinabi nila na walang license to operate ang Bitget dito sa bansa natin. Mali lang na ginamit ni Bitget ang logo ng GCash para ipromote ang kanilang bagong update pero effective yun para sa kanila dahil makikita mo na may mga ilang pinoy na gumagamit na nito at nakatanggap na sila ng cashbacks din.

Tama lang yung ginawa ng GCash pero sana tanggalin na nila yung mga pasugalan sa mobile app nila. Cheesy
Hindi nila ito aalisin malaki din ang kita nila sa gambling na mga iyan, bukod sa fee's, since maari ding manghiram sa gcash mas malaki ang nakukuha nilang interest kung ang isang manlalaro ay nanghiram sa kanilang app, kita sa fee at kita sa interest ng loan, kaya din siguro hindi nila tatanggalin isa pa kung license naman ung sugal, yan ang masakit na katotohanan.