Malaking companya ang GCash dito sa atin bansa at inaalagaan nito ang reputasyon. Kung dinawit sila na walang pormal na kasulatan, kahit sino naman siguro ay hindi talaga i-honor ang sinasabi ng Bitget. Nakakapagtaka lang bakit nag lalabas si Bitget ng ganyang statements na may partnerships sila na walang kasulatan UNLESS mayroon talaga.
Hintayin natin siguro ang sagot ni Bitget dito.
Hindi sasagot ang Bitget patungkol sa sinabi ng GCash dahil at first place, tama naman yung sinabi nila na walang license to operate ang Bitget dito sa bansa natin. Mali lang na ginamit ni Bitget ang logo ng GCash para ipromote ang kanilang bagong update pero effective yun para sa kanila dahil makikita mo na may mga ilang pinoy na gumagamit na nito at nakatanggap na sila ng cashbacks din.
Tama lang yung ginawa ng GCash pero sana tanggalin na nila yung mga pasugalan sa mobile app nila.

I don't think na gagawin ng gcash na iremove nila ang mga online gambling sa kanilang mismong apps wallet, kas nakikinabang sila at useful sa mga sugarol ng mga online casino.
Siguro gagawin lang yan ng gcasgh kung mag-isyu ng rules ang gobyerno ng mga restriction sa regarding sa mga ewallets na nagagamit sa online casino ay pwede pang mangyari na alisin nila talaga ito.
Ngayon, kung magiging bingi o dedma nalang ang Bitget sa ginawa na ito ng gcash ay lalabas naman na ang panget ng behavior na pinapakita ng bitget exchange naman kung ganun lumalabas talaga na unprofessional talaga.