Nanganganib rin ang mga operators na ito dahil mawawalan sila ng kabuhayan kapag nagkaroon ng total ban ng gambling dito sa bansa. Pero agree ako sa sinasabi nila. Mas dadami lang ang illegal gambling dito sa bansa kung maban ang gambling. Palibhasa mukhang mas gusto ng gobyerno ng quick fix at ayaw ng masyadong magtrabaho.
Indeed mas dadami ang illegal online gambling dito sa Pinas, actually pabor ako sa pag ban ng mga gambling site online dahil makikita mo marami talagang naaadik usuallly mga low income na workers and imbis na igastos nila sa pamilya nila mas nagagawa pa nilang ilaro ito at madalas talo. Ang hirap kase ngayon, easily accessible ang mga gambling sites lalo na sa mga e-wallets and I think malaki ang pera ng gobyerno dito kaya we're not sure if talaga bang kaya iban ang online gambling site.
Medyo malala na ito pero sana mahanapan ng solution, kung sa priority ng mga tao, I support banning pero mukang hihina ng konti ang economy, pero para sakin wala naman akong nararamdaman kahit malaki kita nila e haha, parang wala naman epekto so mas okay na na mas maraming tao ang maisalba kesa sila lang ang kumita.