Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin > Philippine Peso | (20% Tax on Interest Income)
by
Fredomago
on 17/07/2025, 10:49:50 UTC
Guys, madami ata nagugulohan.

Itong tinutukoy na bagong 20% ay sa time deposit at peso bonds lang.


Madami sa facebook lalo na mga page na rage bait which kala ng iba eh epektib ito sa normal savings account natin sa bank or e wallets, which matagal na merong tax jan eh.
Check niyo statement niyo minsan or mobile banking makikita niyo may makikita kayong kaltas tax at interest magkasunod palagi, most of the time makikita ito monthly banks or depende sa e wallet/bank kelan nagbibigay ng interest.
Na gets ko na siya. Tama ako na may 20% withholding tax na dati pa pero sa mga short term time deposits lang na kumita ng interes at regular savings na kumita ng interest. Dahil dati pala yung 5 years time deposits ay zero tax. Sa ngayon, lahat na mapa short term o long term time deposits ay may 20% na. Kaya yun lang ang kaibahan at mali lang din ako na pang unawa na akala ko ay idadag sa dating 20% na withholding tax. So all in all, 20% na talaga siya pero minodify lang para na din sa mga long term deposits na kumita ng interest rates na dati ay 0% tax sila.

Basta malinaw ang naiintindihan ko dyan ay kapag nag-ipon ka ng pera through sa time deposit o nasa bank account lang natin ay halimbawa makaipon ka ng 250k sa pesos hindi ko lang alam kung kada taon iniimplement yang 20%, ibig sabihin kung iful out mo na yan ay nasa 200k nalang yung mailalabas natin.

Isipin mo yun, tayo nagpakahirap sa pag-iipon kukupit pa yung gobyerno sa pinag-ipunan natin diba sobrang kapal naman ng mukha kapag ganun. Sa ginawa nilang para nilang sinabi sa mga pinoy na huwag ng mag-ipon pera sa banko, kaya mas maganda na gamitin nalang sa investment na tutubo na worth it naman like sa stocks, Bitcoin, o real estate kung long-term ang pag-uusapan natin.

Ang tax yata ay effective lang sa amount na kukunin mo. Kung 100k ang ipu-pullout mo tapos less than 3 years pa lang sya nakadeposit, 80k lang ang makukuha mo dito.

Talo ka kung halimbawa may emergency na mangyari sa panahon na yun tapos kailanganin mo ilabas ang naka deposit mo sa banko.

Para sakin hindi naman talaga attractive ang interest na binibigay ng mga banko satin. Kung tutuusin mas malaki pa tutubuin mo kung icoconvert mo ang peso mo sa stablecoin tulad ng USDT at ilagay ito sa staking sa mga DEX platforms.

Hahaha yan na lang masasabi ko sa nakaisip ng bagong batas ba yan, biruin mo para kang nag ipon ng pera para buhayin un mga nasa gobyerno, bakit hindi na lang ung ayuda ang baguhin nila para mabawasan ang mga tamad sa bansa natin, ikaw mag iipon tapos pag nagipit ka at kakailanganin mo un pera mababawasan pa, parang yung nakaisip nyan kung yan nga ung tinutumbok ng batas na yan eh basta lang makalikom ng nanakawin nilang pondo sa gobyerno eh.