Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Local operators push against total ban on gambling
by
LogitechMouse
on 18/07/2025, 08:00:08 UTC
⭐ Merited by joeperry (1)
---
Nanganganib rin ang mga operators na ito dahil mawawalan sila ng kabuhayan kapag nagkaroon ng total ban ng gambling dito sa bansa. Pero agree ako sa sinasabi nila. Mas dadami lang ang illegal gambling dito sa bansa kung maban ang gambling. Palibhasa mukhang mas gusto ng gobyerno ng quick fix at ayaw ng masyadong magtrabaho.

A total ban on gambling will not solve the problem.

Oo, mababawasan ang mga malululong sa sugal at bukod pa dun, kakaunti ang mga bilang ng mga tao na maghihirap ng dahil sa sugal pero sa kabilang banda, ang mga nalulong na sa sugal ay maaaring makaexperience ng tinatawag nilang "Substitution behavior" na kung saan maghahanap sila ng ibang pagkakaadikan gaya ng "substances", "drugs" "sobrang online gaming" or kung ano pa man yan.

Sinabi mo na rin na dadami ang illegal gambling websites dito sa atin at totoo yun. Para sa akin, hindi total ban ng online gambling ang kailangan. Ang kailangan natin ay "Very Strict Regulation". Hindi lang strict kundi very strict kung gusto nilang labanan ang adiksyon sa online gambling.