Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin > Philippine Peso | (20% Tax on Interest Income)
by
gunhell16
on 18/07/2025, 12:43:07 UTC
Guys, madami ata nagugulohan.

Itong tinutukoy na bagong 20% ay sa time deposit at peso bonds lang.


Madami sa facebook lalo na mga page na rage bait which kala ng iba eh epektib ito sa normal savings account natin sa bank or e wallets, which matagal na merong tax jan eh.
Check niyo statement niyo minsan or mobile banking makikita niyo may makikita kayong kaltas tax at interest magkasunod palagi, most of the time makikita ito monthly banks or depende sa e wallet/bank kelan nagbibigay ng interest.
Na gets ko na siya. Tama ako na may 20% withholding tax na dati pa pero sa mga short term time deposits lang na kumita ng interes at regular savings na kumita ng interest. Dahil dati pala yung 5 years time deposits ay zero tax. Sa ngayon, lahat na mapa short term o long term time deposits ay may 20% na. Kaya yun lang ang kaibahan at mali lang din ako na pang unawa na akala ko ay idadag sa dating 20% na withholding tax. So all in all, 20% na talaga siya pero minodify lang para na din sa mga long term deposits na kumita ng interest rates na dati ay 0% tax sila.

Basta malinaw ang naiintindihan ko dyan ay kapag nag-ipon ka ng pera through sa time deposit o nasa bank account lang natin ay halimbawa makaipon ka ng 250k sa pesos hindi ko lang alam kung kada taon iniimplement yang 20%, ibig sabihin kung iful out mo na yan ay nasa 200k nalang yung mailalabas natin.

Isipin mo yun, tayo nagpakahirap sa pag-iipon kukupit pa yung gobyerno sa pinag-ipunan natin diba sobrang kapal naman ng mukha kapag ganun. Sa ginawa nilang para nilang sinabi sa mga pinoy na huwag ng mag-ipon pera sa banko, kaya mas maganda na gamitin nalang sa investment na tutubo na worth it naman like sa stocks, Bitcoin, o real estate kung long-term ang pag-uusapan natin.

Ang tax yata ay effective lang sa amount na kukunin mo. Kung 100k ang ipu-pullout mo tapos less than 3 years pa lang sya nakadeposit, 80k lang ang makukuha mo dito.

Talo ka kung halimbawa may emergency na mangyari sa panahon na yun tapos kailanganin mo ilabas ang naka deposit mo sa banko.

Para sakin hindi naman talaga attractive ang interest na binibigay ng mga banko satin. Kung tutuusin mas malaki pa tutubuin mo kung icoconvert mo ang peso mo sa stablecoin tulad ng USDT at ilagay ito sa staking sa mga DEX platforms.

May napanuod ako kanina sa isang balita yata yun sa youtube na kung saan ay yang 20% na ibabawas ay yung mismong sa interest nga raw, so, meaning kung tumubo ka ng 1000 pesos, ibabawas pa dito yung 20% so sa halip na 1k yung tubo natin ay ang matitira nalang ay 800 yung tinubo natin lahat-lahat.

Siguro ito yung [parang nararamdaman ng iba, saka mukhang ang mga maaapektuhan dito ng lubos ay yung mga nagsusumikap mag-ipon na mga nasa middle-class na mga tao, nakapaliit na nga naman ng per annum eh babawasan pa ito ng 20% in which is hindi talaga maganda.