hindi kaya ang ibig mong sabihin ay taasan yung minimum deposit sa online gambling, para at least kung mataas ang deposit na required sa isang casino ay mawawalan ng gana yung iba na maglaro ng sugal partikular sa mga menor de edad na hindi na mag-attempt pang maglaro ng sugal
Halimbawa ang minimum deposit ay 2k pesos, siguro kahit papano ay yung mga mahihirap din na mga pinoy ay wala naring mag-aattempt na maglaro ng sugal
dahil ang 2k ay mahirap nang kitain ito sa ngayon.
Pwede ito magresulta ng mabuti at hind mabuti depende sa behavior ng tao. Mabuti ito kung ang magiging reaction ng mga Pinoy gambler ay madiscourage since mababawasan talaga ang mga pwedeng maging addict sa sugal.
Pero alam naman natin kung gaano katigas ang ulot at kapusok ng mga pinoy pagdating sa bisyo. Kahit pa taasan yan ay siguradong gagawa ng paraan yung ka eager tlaga sa sugal para makakuha ng pera na sapat sa minimum deposit.
Kahit nga mahal natin alak at sigarilyo ay madami pa dn tumatangkilik nito.