~snip
Tama, yung accessibility ng mga locations ang mahirap diyan. Pero kung magiging supportive din naman mga organizers tapos may mga shuttle bus, ganyan magiging sistema siguro.
Naiisip ko na tuloy kung gaano kadami yung bus. Sana hindi sila mag racing katulad nung mga issues sa ibang bus liners papunta doon. Pero sa tingin ko sa panahon na yan, magandang bus muna talaga. Siguro andami din lalahok na mga bus companies dahil for sure malaki ang pwede nilang kitain dito.
Haha, yung sa Florida bus yun nagkarerahan. Doon palang kita na natin na may interes din talaga ang mga pinoy sa karera tapos yung iba pang mga civic o mga kotse na nagkakarera din ng ilegal. Posible nga na makiisa ang mga bus companies sa mga shuttles na yan if ever man na magkaroon ng event na ganyan dito.
Nakikita ko lang kasi sa newsfeed ko lumalabas at siyempre kahit hindi naman talaga car enthusiasts at nagkakarera parang ang sarap lang panuorin kaya tama ka, nood nood lang muna tapos kilalanin ko muna mga regular racers.
Oo, kung may Netflix ka, pwede ka mag simula sa "Drive to Survive" na documentary nila at mas maintindihan mo yung mga napagdadaanan nila. Medyo dramatized lang din talaga pero para mahook ka sa story etc. Maganda yung series..
Sige salamat, icheck ko din yan at iba pang puwedeng mapanood kahit yung maiksi lang dahil karamihan sa mga shows ngayon di ko na din natatapos dahil siguro tumatanda na ako hehehe.