Na gets ko na siya. Tama ako na may 20% withholding tax na dati pa pero sa mga short term time deposits lang na kumita ng interes at regular savings na kumita ng interest. Dahil dati pala yung 5 years time deposits ay zero tax. Sa ngayon, lahat na mapa short term o long term time deposits ay may 20% na. Kaya yun lang ang kaibahan at mali lang din ako na pang unawa na akala ko ay idadag sa dating 20% na withholding tax. So all in all, 20% na talaga siya pero minodify lang para na din sa mga long term deposits na kumita ng interest rates na dati ay 0% tax sila.
Basta malinaw ang naiintindihan ko dyan ay kapag nag-ipon ka ng pera through sa time deposit o nasa bank account lang natin ay halimbawa makaipon ka ng 250k sa pesos hindi ko lang alam kung kada taon iniimplement yang 20%, ibig sabihin kung iful out mo na yan ay nasa 200k nalang yung mailalabas natin.
Hindi mababawasan yung deposit mo. Yung 250k pesos mo, kikita ng interest at yung interest na kinita mo ang may deduction na 20% tax at oo, whole year round yan. Meaning kung ang bangko ay nagcredit ng interest income per month, buong taon yan buwan buwan may bawas na tax.
Isipin mo yun, tayo nagpakahirap sa pag-iipon kukupit pa yung gobyerno sa pinag-ipunan natin diba sobrang kapal naman ng mukha kapag ganun. Sa ginawa nilang para nilang sinabi sa mga pinoy na huwag ng mag-ipon pera sa banko, kaya mas maganda na gamitin nalang sa investment na tutubo na worth it naman like sa stocks, Bitcoin, o real estate kung long-term ang pag-uusapan natin.
Ok pa rin naman mag ipon dahil kailangan natin ng cash pero yun nga lang, sobrang laki lang talaga ng tax na kahit barya lang kitain mo, may hati pa silang barya din sa kinita mo. Mas mainam talaga na ilagay nalang sa mga investments at assets ang pera natin dahil bumababa din naman ang value ng peso.