---
Guys, madami ata nagugulohan.
Itong tinutukoy na bagong 20% ay sa time deposit at peso bonds lang.
---
See the difference? Kakarampot na nga yung makukuha sa interests rate plus yung inflation pa. Sobrang kunti na.
Ang tanong, gaganahan ka pa ba nito mag lagay ng mga PHP deposits sa mga banks niyo or e wallets?
---
Para sakin, for sure madaming Filipino na mag eexplore ng ibang bagay para pag gamitan ng mga PHP nila, like mga investments, businesses, etc.
Kung gusto niyong mag invest gamit ang PHP, ang pinaka best para sa akin ay sa
MP2 na lang since sinabi ni kabayan na time deposit at peso bonds lang. Pwede rin sa stock market, pero mainam na ilagay ito sa mga blue chips na nagbibigay ng mejo mataas na dividends at kung mag iinvest kayo sa Stock Market, maganda ito para sa mga long-term investors.
Pagdating naman sa 20% tax na pinataw nila, ngayon mas may rason na ako kaya ayaw ko maglagay ng funds sa aking bank account bukod sa emergency funds lang. Napakaliit na nga lang ng interest na binibigay nila tapos babawasan pa nila ng 20%. Maliit nga yun pero marami pa ring kababayan natin ang naglalagay ng pera nila sa mga banko at apektado sila nito. Malaking KUPIT este revenue ito para sa gobyerno natin. Sa kabilang banda, sana ito na yung trigger para sa mga ibang kababayan natin na matuto pa lalo pagdating sa investing para mas mailagay nila ang pera nila sa mas magandang assets at hindi lang nakatago sa mga bank accounts.
At may dahilan din ang gobyerno natin bakit nag impose sila ng ganitong batas - para na lang din dagdag daw sa revenue nila.
Mayroon pa. Para din daw may ambag daw ang mga Pinoy sa pagkamit ng "BAGONG PILIPINAS". Like bullsh*t.