Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Local operators push against total ban on gambling
by
finaleshot2016
on 19/07/2025, 20:50:17 UTC
~~~~~
Nanganganib rin ang mga operators na ito dahil mawawalan sila ng kabuhayan kapag nagkaroon ng total ban ng gambling dito sa bansa. Pero agree ako sa sinasabi nila. Mas dadami lang ang illegal gambling dito sa bansa kung maban ang gambling. Palibhasa mukhang mas gusto ng gobyerno ng quick fix at ayaw ng masyadong magtrabaho.
.
Madami namang opportunity kung tutuusin, may mawawalan pero mas malaki ang benefits if na-control talaga yung pasugalan dito sa Pilipinas. Ang daming pera ang nasasayang araw araw, yung iba galing pa sa mga ayuda o mga pensyon na pinansusugal lang din para magpatay ng oras which is mali. Mas okay na lagyan ng limitations talaga yung online gambling kasi accessible na talaga yung mga ganyang bagay eh, kahit bata na exposed sa internet eh kayang kaya makapunta sa ganyan. Pero it's too late din kung tutuusin, andyan na yung damage, parang di kasi talaga pinagiisipan ng maayos yung mga desisyon para sa bansa natin eh. Hindi rin naman kasi ethical kung tawagin yung sa sugal lalo na't ang audience mo ay lahat ng tao, kahit bata o matanda na sobrang vulnerable sumubok sa ganyan at mahumaling nalang bigla kasi "madali" magpasok ng pera. Justified lang naman ang pasugalan talaga if you're in the right audience, hindi yung mga inosente pa.