I think they should have expected na one day, this was bound to happen. Kung papansinin niyo, napakadaming gambling sites talaga na hindi regulated din dito sa bansa. From what I know also, may mga kakilala ako na gumagawa sila ng sarili nilang gambling websie and sinasadya din nila na ipanalo ka within your first draws to attract your attention and sasadyain nila na matalo ka after your first cash out.
According sa PAGCOR, gambling revenue generates 2nd or 3rd highest form of profit sa bansa natin given the amount na pumapasok. Pero yung mga unregulated kasi, naaabuso and hindi na nacocontrol. Worst, napakadami na din advertisement dito sa EDSA na kung sino-sino na lang din ang pwede gumawa ng sarili nilang website.
Total ban agad ang sugestion without considering the loss of revenues of government and jobs ng rating mga kababayan, hindi ba dapat strict regulation muna at matyagan natin kung bababa ang bilang ng mga masyadong nahihilig sa sugal.
Actually dito natin makikita kung magkakaroon ng strict implementation ng total ban ng gambling dito sa Pilipinas. We all know na even if may batas na pinagbabawal mag gambling, gagawa at gagawa ng paraan mga ibang tao para circumvent ito.