May posibling epekto ito sa Bitcoin - pero para sakin ay mabuting epekto, like baka mag shift sila into Bitcoin or crypto investments. Pero kung iniisip mo na negative effects na madadamay si Bitcoin sa pagkatalo nila, not unless gagawa sila ng fake news at isisisi sa Bitcoin or sa crypto market.
Pagtatawanan lang sila ng taumbayan kapag ginawa nila yan palusot. Marami na sa bansa natin ang aware sa bitcoin at nagpapalaganap ng crypto literacy. Kung tutuusin gobyerno nga natin ang sobrang behind sa pag-adopt nito at mas pinili pa magpromote ng sugal.
I'm just worried sa mga members ng GSIS - sana di sila maapektohan at parang kunti lang naman itong losses nila at for sure part talaga ng market yan and I hope mababawi din.
Kahit maliit lang ang loss nila, pwede nila ito gawing dahilan para itaas na naman ang GSIS contribution ng mga Pilipino. Ganyan lagi ang napansin ko na ginagawa ng mga institusyon satin para mangulimbat ng pera. Gagawa ng problema na sila din naman ang may kasalanan tapos gagawa ng solusyon na taumbayan ang magsusuffer.